
Tiniyak ng Energy Department na regular silang maglalabas ng listahan ng fuel stations para sa subsidiya ng mga tsuper.
Layon nito na maging madali sa mga kwalipikadong tsuper ang pag-avail ng ₱1,500 fuel subsidy kada buwan.
Nagpaalala naman ang Department of Energy (DOE) sa mga tsuper na regular na bisitahin ang kanilang website para sa updated na listahan.
Una nang nagbabala ang DOE sa liquid fuel retail outlets na hindi tatalima sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga kwalipikadong tsuper.
Ayon sa DOE, maaaring masuspinde o makansela ang Certificate of Compliance (COC) ng fuel stations na hindi magbibigay ng subsidy sa mga tsuper.
Inatasan din ang mga kumpanya ng langis na maglagay ng signages at Fuel Subsidy Program (FSP) lanes para sa mga tsuper.










