DOE, tiniyak na walang problema sa power supply sa halalan

46

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang inaasahang aberya sa suplay ng kuryente sa darating na halalan.

Ito ay sa kabila ng nararanasang pagnipis sa power supply ng Luzon dulot ng hindi planadong pagpalya ng limang planta sa rehiyon.


Sabi ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, na maganda naman ang kanilang power supply projection para sa nalalapit na eleksyon.

Una nang sinabi ni Energy Spokesperson Undersecretary Wimpy Fuentebella, na walang krisis sa kuryente at sapat ang supply nito kahit tatlong araw ng magkakasunod na isinailalim sa red alert ang Luzon grid.

Bukod dito aniya, inaasahan ding na babalik sa normal ang operasyon ng limang planta na nag-shutdown pagpasok ng Holy Week.

Sa ilalim ng red alert, malaki ang tyansang makaranas ng brownout ang publiko kasabay ng manipis na reserba ng kuryente.

Facebook Comments

From Advertisers