DOF, tiniyak na hindi binabalewala ng Administrasyong Duterte ang mataas na inflation

21

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na hindi binabalewala ng Administrasyong Duterte ang usapin ng mataas na inflation rate sa bansa.

Sabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, na naka-depende sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtugon nila sa problema at hindi sa mga haka-haka lang ng ilang grupo.

Nais aniyang matiyak ng gobyerno na tamang solusyon ang gagamitin sa mga tunay na problema ng bansa at hindi naka depende sa mga kung anu anong pinalulutang ng ibang kampo.

Facebook Comments