DOH at DICT, mayroon nang mga officer in charge

51

Manila, Philippines – Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga Officer in Charge sa Department of Health at DOH at sa Department of Information and Communications Technology o DICT.
Matatandaan na hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Paulyn Ubial bilang Health Secretary at ang pagbibitiw naman ni Atty. Rodolfo Salalima bilang kalihim ng DICT.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, itinalaga si Undersecretary Eliseo Mijares JR bilang OIC ng DICT at Undersecretary Herminigildo Valle bilang OIC naman ng DOH.
Sinabi ni Abella, ito ay para matiyak na magtutuloy-tuloy ang epektibong serbisyo ng mga nabanggit na kagawaran para mapagsilbihan ang publiko.
Ang appointment ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noon pang October 10.
Wala pa namang itinatalaga si Pangulong Duterte na OIC sa Department of Agrarian Reform.

Facebook Comments