DOH-CHD1, HINDI SUPORTADO ANG PAGPILI NG BAKUNA KONTRA COVID-19 NG MGA RESIDENTE SA ILOCOS REGION

Nanawagan ngayon ang Department of Health-Center for Health Development Region 1 sa mga residente dito na huwag mamili ng bakuna kontra COVID-19 sa pagdating ng bakunang Pfizer sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1, Information Officer, lahat ng mga bakunang ipinamamahagi at itinuturok sa mga eligible group ay ligtas at epektibo kahit ano pa man ang brand nito.

Ang Sinovac, Astrazeneca at Pfizer ay dumaan umano sa pag-aaral ng Food and Drug Administration at nabigyan ng Emergency Use Authority.


Dagdag nito na ang tatlong bakuna ay eqy capable upang protektahan ang isang indibidwal mula sa COVID-19.
Iginiit ni Bobis na ang best vaccine ay ang bakunang available ngayon sa Ilocos Region.

Facebook Comments