DOH-CHD1 TARGET NA MAPURGA ANG 85% POPULATION NG MGA KABATAAN SA REGION 1 BAGO MATAPOS ANG ENERO

33
Target ng Department of Health center for health Development 1 na mapurga ang 85% population ng mga batang nasa isa hanggang labing siyam na taong gulang.
Dahil dito Patuloy ang panghihikayat ng Ilocos Center for Health Development sa buong rehiyong uno na tumalima sa Oplan Goodbye Bulate ngayong buwan ng Enero.
Matatandaang pre-pandemic ay school based abg pagsasagawa ng naturang programa, ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay community based ang pagpapatupad nito kung saan ang mga Barangay Health Workers kasama ng kanilang mga nurse at midwives ay nagtutungo ngayon sa mga bahay-bahay ng kanilang barangay.

Samantala, umaasa ang ahensya na tutulong sa paghikayat ang mga barangay officials ng bawat bayan. | ifmnews
Facebook Comments