DOH, dinipensahan ang pagpapatupad ng GCQ sa NCR sa harap ng tumataas na COVID-19 cases

72

Dumipensa ang Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) simula sa June 1, 2020 sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumubuti na ang COVID-19 situation sa bansa.


Giit ni Vergeire na ang desisyong ibaba sa GCQ ang Metro Manila ay maraming factors ang pinagbatayan.

Bukod sa bilang ng kaso, pinagbasehan din ang bilang ng mga namatay, doubling time o haba ng panahon bago magdoble ang kaso, at ang critical utilization rate o percentage ng mga health care facilities.

Inaabot na lamang ng pitong araw bago magdoble ang kaso ng COVID-19 kumpara sa dalawa hanggang tatlong araw mula nang magsimula ang pandemya sa bansa.

Facebook Comments