DOH, handang tumanggap ng mga volunteer health workers para labanan ang COVID-19

Bukas ang department of health na tumanggap ng mga nagnanais na maging volunteer health workers para tumulong labanan ang Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang mga magbo-boluntaryong health workers partikular ang mga doktor at nurse ay maaaring ilagay sa refferal hospital ng Department of Health (DOH).

Ang naging pahayag ni Vergeire ay sa gitna na din ng mga ulat na may mga health workers na naka-quarantine at kailangan na ng kapalit.


Pero sa kabila nito, tuloy pa din naman ang trabaho ng ibang health workers para tutukan ang ilang pasyente na may kaugnayan sa COVID-19.

Sinabi pa ni vergeire na inilalatag na nila ang mga dapat na requirements para sa mga nais mag-volunteer.

Aniya, kapag natapos ito maaaring tignan sa website ng DOH ang karagdagang impormasyon para maging volunteer health workers.

Facebook Comments