DOH, hindi na magrerekomenda ng travel ban

67

Wala nang balak ang Department of Health na muling magrekomenda ng pagpapatupad ng travel restrictions laban sa mga bansang may variants ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala na ring saysay ang pagpapatupad ng travel ban dahil kumalat na rin ang variants sa iba’t ibang bansa.


Ang nararapat na lamang aniyang gawin ay mahigpit na sundin ang health protocols.

Hindi rin aniya makakatulong sa ekonomiya ng bansa ang pagpapalawig ng travel ban.

Facebook Comments