DOH, hindi pa masabi kung kumakalat na sa bansa ang UK COVID-19 variant

Hindi pa masasabi ng Department of Health kung kumakalat na rito sa bansa ang bagong variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay wala pang sapat na ebidensiya kung kumalat na ang B117 COVID-19 variant.

Aniya, patuloy pa nilang minomonitor at pinag-aaralan ang sitwasyon at noong Pebrero 8 ay nasa 718 samples ang sinuri ng Philippine Genome Center mula sa iba’t ibang lugar sa bansa maliban sa Bangsamoro Autonomous Region.


Matatandaang 19 na bagong kaso ng bagong variant ng virus ang naitala ng DOH noong Biyernes ng gabi.

Habang sa kabuuan, umabot na sa 44 na ang kaso ng UK variant dito sa Pilipinas.

Facebook Comments