DOH, hinikayat ang medical frontliners na magpabakuna gamit ang Sinovac vaccines

26

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang healthcare workers na magpabakuna gamit ang Sinovac vaccines.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang Sinovac ay dumaan sa mataas na pamantayan ng safety, efficacy at quality.


Hindi dapat mag-alinlangan pa ang mga frontliner sa bisa nito dahil nabusisi ito ng mga eksperto.

Naniniwala rin si Duque na ang vaccination ay magpapalakas sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments