DOH, hinikayat ang publiko na magpa-test sa mga lisensyadong COVID-19 testing labs

35

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpa-test sa mga lisensyadong COVID-19 testing laboratories at huwag magsagawa ng self-swabbing.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may mga laboratoryong nagsasagawa ng home service na lisensyado ng DOH.


Mahalagang magpunta sa mga lisensyadong laboratoryo para matiyak na kalidad at tama ang makukuhang resulta.

Matatandaang nag-viral ang aktor si Robin Padilla matapos i-post ang video na siya mismo ang nagsasagawa ng COVID-19 swab test sa kanyang sarili.

Facebook Comments