DOH, hinimok ang mga LGU na magkaroon ng protected bike lanes

51

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Local Government Units (LGU) na magkaroon ng protected bike lanes sa kanilang nasasakupan.

Matatandang nasawi si Renz Perez, 23-anyos, matapos siyang mabundol ng pickup truck habang nagbibisikleta sa Padre Burgos Avenue, Ermita, Maynila noong August 23, 2020.

Si Perez ay isang nurse sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Sa statement ng DOH, ang pagbibisikleta at iba pang uri ng active transport ang ilan sa mga epektibong paraan ng paglalakbay habang napapanatili ang physical distancing na susi para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang pagkamatay ni Perez ay hudyat para palakasin ang panawagan sa mga LGU na protektahan ang frontliners lalo na ang health care workers.

Dapat tiyakin ng mga LGU ang maayos na pagpapatupad ng traffic at law enforcement para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

Facebook Comments