DOH, hinimok ang publiko na kumpletuhin ang pagbabakuna sa harap ng banta ng Delta variant

36

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang lahat na magpabakuna laban sa COVID-19 dahil nagbibigay ito ng proteksyon laban sa COVID-19 variants, lalo na ang Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga tinatamaan ng severe case ng COVID-19 ay mga taong hindi nagpabakuna.


Napoprotektahan ng bakuna ang mga tao mula sa malalang uri ng sakit at kamatayan.

Muling iginiit ni Vergeire na epektibo at ligtas ang mga inaprubahang bakuna sa bansa.

Facebook Comments