DOH, iminungkahi kay Pangulong Duterte ang Emergency Use Authorization para sa COVID vaccines

78

Hinimok ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng executive order para emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) para sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang paglalabas ng EO ay layong mapadali ang processing time mula anim na buwan patungong 21 araw.


Sa pamamagitan nito, maaaring magamit ang mga gamot, bakuna at iba pang health technologies sa pamamagitan ng reliance at recognition process.

Paliwanag pa ni Duque, ang reliance ay tumutukoy sa proseso ng pagtiwala ng FDA sa mga evaluations na ginawa sa national regular authority sa ibang bansa.

Ang recognition naman ay ang routine na pagtanggap ng FDA ng regulatory decision ng ibang national regulatory authorities or ibang mga trusted institutions.

Gagamitin ang emergency use authorization kapag mayroong medical health emergency, o serious /life-threatening disease.




Facebook Comments