DOH, isasama na sa COVID-19 tally ang positibong resulta mula sa rapid antigen test

87

Natakdang isama ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 tally ang mga positibong resulta mula sa rapid antigen test sa susunod na linggo.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, unti-unti na nilang ipapasok ang mga naturang resulta matapos ang mabusising validation process.


Dagdag pa ni Vergeire, makikipag-ugnayan sila sa ibang ahensya sa pag-uulat ng positibong resulta mula sa antigen test.

Magkakaroon din ang DOH ng qualifier kung ilang RT-PCR at ilang antigen test ang irereport nila sa publiko.

Facebook Comments