DOH, may naitalang mahigit 28,000 na kaso ng COVID-19

54

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 28,008 na bagong kaso ng COVID-19 mula Agosto 8 hanggang Agosto 14

Ang average naman na bagong kaso ng infection kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 4,001.

Ito ay mas mataas ng 3 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 1 hanggang Agosto 7.


Sa mga bagong kaso, 101 ang nasa ang kritikal na kondisyon.

229 naman ang bagong binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Noong August 14 naman 822 na COVID patients na nasa kritikal na kalagayan ang naka-admit sa mga ospital.



Facebook Comments