DOH, may paalala sa mga vaccine administrator sa gitna ng pagtuturok ng booster shots

71

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga vaccine administrator na hindi maaaring i-redistribute bilang booster shot ang COVID-19 vaccine na nakalaan para sa primary series.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nakapaloob sa primary vaccination series ang bilang ng dose na inilatag ng Food and Drug Administration (FDA).

Iginiit naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na boluntaryo ang pagpapabakuna ng booster dose.


Aniya, tanging mga kwalipikadong healthcare workers lamang ang maaaring mabigyan ng booster shot.

Facebook Comments