DOH, muling nakapagtala ng mababang bilang ng bagong namatay sa COVID-19 sa bansa

139

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ngayon ng 17 binawian na buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ang total deaths na ngayon ay 8,526 o 1.95%.


1,733 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na sa bansa ay 438,069.

Ang aktibong kaso naman ay 29,961 o 6.8%.

133 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 399,582 o 91.2%.

Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala mula sa Davao City, Quezon City, Benguet, Rizal at Laguna.




Facebook Comments