DOH, muling nakapagtala ng malaking bilang ng mga bagong namatay sa bansa sa COVID-19

69

242 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ng mga bagong namatay sa bansa sa COVID-19.

6,414 naman ang bagong kaso habang 163 lamang ang bagong gumaling.


Sa ngayon, 819,164 na ang total COVID cases sa bansa kung saan ang aktibong kaso ay 158,701.

Ang total recoveries naman ay 646,404 at ang total deaths ay umakyat na sa 14,059.

Facebook Comments