DOH, muling nakapagtala ng maliit na bilang ng mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

41

7 lamang ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ang total deaths na ngayon ay 8,677 o 1.95%.

1,387 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na ngayon sa bansa ay 444,164.


Ang active cases naman ay 26,545 o 6.0%.

156 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 408,942 o 92.1%.

Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala mula sa Batangas, Quezon City, Davao del Norte, Benguet at Quezon Province.



Facebook Comments