DOH, muling nakapagtala ng mataas na bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19

45

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 144 na binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Bunga nito, ang total deaths na sa bansa ay 6,069.

2,362 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 331,869.

Ang active cases naman ay 51,482.

697 naman ang bagong gumaling sa bansa sa COVID-19 kaya ang total recoveries na ngayon ay 274,318.

Samantala, ang mild cases ay 85.7%, ang asymptomatic ay tumaas sa 9.8% habang ang severe ay 1.4% at ang critical cases ay 3.1%.

Facebook Comments