DOH, nagbabala sa posibleng sakit na makuha sa paglusong sa baha kasunod ng pagtama ng Bagyong Tino

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga sakit na posibleng makuha sa paglusong sa baha.

Ito ay sa gitna ng nararanasang pagbaha sa ilang lalawigan sa bansa dulot ng Bagyong Tino.

Ayon sa DOH, kapag baha na ang kalsada, huwag nang tumuloy at iwasan ang paglusong.

Mainam din na tumawag sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.

Kasalukuyang nasa Palawan na ang Bagyong Tino matapos nitong manalasa sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), dahil sa pabugso-bugsong ulan, posible pa rin ang pagbaha sa mga kalsada na mapanganib para sa mga motorista at pedestrian.

Facebook Comments