DOH, naghahanap ng health workers para sa COVID patients

87

Sinisimulan na ng Department of Health ang paghahanap ng mga health workers na makakatuwang sa laban sa COVID-19.

Batay sa anunsyo ng DOH sa kanilang social media account, nakasaad kabilang sa kanilang hinahanap ay mga doktor, nurse, nurse assistant, at hospital orderlies.


Kahit hindi pa lisensyado o hindi pa nakakapagtake ng licensure examination ay maaaring mag apply.

Ang mga health workers na ito ay itatalaga sa 3 COVID 19 referral hospitals sa National Capital Region (NCR).

Partikular sa Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines at Dr Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.

At dahil pahirapan ang byahe ngayon dahil sa kawalan ng mga pampublikong sasakyan ay maglalaan naman ng accommodation para sa 1 buwang pamamalagi sa mga nasabing ospital.

Facebook Comments