DOH, naglabas ng pahayag sa kumalat sa social media na maraming tauhan nito ang hindi bakunado

374

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na nagsasabing maraming empleyado nito ang hindi pa bakunado.

Ayon sa DOH, sa kanilang Central Office pa lamang ay 98% na o mahigit 2,000 ang fully vaccinated na.

Anila, ang DOH employees din ang nagsisilbing role models sa pagpapatupad ng malusog na pamumuhay.


Muli ring nanawagan ang DOH sa publiko na huwag nang magpatumpik-tumpik pa sa pagpapaturok ng primary at booster shots.

Facebook Comments