DOH, nakapagtala lamang ng mababang bilang ng mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19; DFA, wala namang naitalang bagong fatality sa hanay ng mga Pinoy sa abroad

67

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 18 mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ang total deaths na ngayon ay 8,436 o 1.94%.


1,438 naman ang bagong kaso ngayon kaya ang total cases na ay 434,357.

Karamihan sa mga bagong kaso na naitala ay mula sa Davao City, Laguna, Quezon City, Manila at Pampanga.

Ang active cases naman ay 26,916 o 6.2%.

Ang bagong gumaling naman ay 232 kaya ang total recoveries na ay 399,005 o 91.9%.




Samantala, wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong overseas Filipino na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total fatalities sa 847.

11 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 11,719.

Ang aktibong kaso ay 3,327.

6 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 7,545.

Facebook Comments