DOH, nakapagtala lamang ngayong araw ng maliit na bilang ng mga nasawi sa COVID-19

60

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng 11 bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Bunga nito, ang total deaths na ay 7,721 o 1.92%.


1,407 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 402,830 kung saan naitala ang mga bagong kaso sa Davao, Eastern Samar, Rizal, Cavite at Quezon Province.

Ang active cases ay 32,682 o 8.1%.

211 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 362,417 o 90.0%.

83.6% naman ang mild cases, 9.4% ang asymptomatic, 4.4% ang critical cases habang ang severe cases ay 2.4% at ang moderate ay 0.10%.




Facebook Comments