DOH, nakapagtala ng 1,317 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

52

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,317 bagong COVID-19 cases sa nakalipas na linggo.

Pumapatak ito sa average 188 kaso kada araw mula May 23 hanggang May 29.

Wala namang naitalang bagong binawian ng buhay sa bansa sa nakaipas na linggo dahil sa infection.


679 na COVID patients naman na severe at critically ang naka-confine sa mga pagamutan.

Kinumpirma rin ng DOH na 16.8% ngayon ang ICU bed utilization rate habang ang 17.2% ang non-ICU bed utilization rate.

Facebook Comments