DOH, nakapagtala ng 2,562 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, pinakamataas sa loob ng limang araw

66

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,562 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ito na ang pinakamataas na naitala ng DOH na daily case rate sa loob ng limang araw at ikatlong magkasunod na araw na higit 2,000 bagong kaso ang naitala.

Dahil dito, sumampa pa sa 26,380 ang aktibong kaso ng sakit, mas mataas sa 25,733 na naitala nitong Miyerkules.


Sa ngayon, nasa 3,961,349 na kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa bansa kung saan 3,871,820 na ang gumaling.

Samantala, umabot na sa 63,149 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 matapos madagdagan ng 38 kahapon, pinakamataas naman sa loob ng 14 araw.

Facebook Comments