DOH, nakapagtala ng mahigit tatlong libong bagong COVID cases sa bansa; DFA, tatlong araw nang walang naitalang Pinoy sa abroad na namatay sa virus

3,249 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health ngayong araw.

Bunga nito, umaabot na ang COVID cases sa bansa sa 205,581 kung saan ang active cases dito ay 68,357.

566 naman ang panibagong gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay 133,990.


97 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 3,234.

Samantala, magandang balita, tatlong magkakasunod na araw nang walang naitala ang Department of Foreign Affairs na Pinoy sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 742.

Anim lamang din ang bagong kasong naitala mula sa mga Pinoy sa Asia and the Pacific at Europe.

Bunga nito, ang total cases ngayon ay 10,041 kung saan ang active cases dito ay 3,219.

Apat naman ang bagong nakarecover kaya ang total recoveries sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 6,080.

Facebook Comments