DOH, nakapagtala ng higit 31,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

69

Nakapagtala ng 31,173 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mataas ito kumpara sa 22,958 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 324,478 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 275,364 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 26,298 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2, 995,961 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 53, 153 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 110 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 18 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.



Facebook Comments