DOH, nakapagtala ng higit 5,000 indibdwal na gumaling sa COVID-19

42

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,573 na nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.

Sa inilabas na datos ng DOH, umaabot na sa kabuuang bilang na 1,467,269 ang mga gumaling sa nasabing sakit.


Nakapagtala rin ng 5,479 na karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 54,262 na.

Nasa 93 ang nadagdag sa mga pumanaw kung saan ang total nito ay nasa 27,224 na habang 1,548,755 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 23, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base pa sa datos, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryo ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na nasuri at 0.2% naman sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakaraang 14 na araw.



Facebook Comments