DOH, nakapagtala ng higit 800 kaso ng COVID-19 sa buong bansa

54

Umaabot sa 838 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.

Dahil dito, nasa 16,630 na ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan mayroon namang naitalang 1,217 na nadagdag sa mga gumaling.

Kaugnay nito, pumalo na sa 2,766,816 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa sakit.


Nasa 156 naman ang nadagdag sa mga pumanaw kaya’t ang total nito ay nasa 48,361.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 26, 2021 habang lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos, ang kontribusyon ng 2 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.003% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakaraang 14 na araw.



Facebook Comments