DOH, nakapagtala ng mababang bilang ng recoveries sa COVID-19 patients sa bansa

67

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 44 lamang na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Ang total recoveries na ngayon ay 458,172 o 93.3%.


1,524 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 491,258.

Ang aktibong kaso naman ay 23,257.

Tumaas din ang bilang ng mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa virus kung saan nakapagtala ngayong araw ang DOH ng 139 deaths.

Ang total fatalities na ngayon ay 9,554 o 1.94%.




Samantala, nakapagtala rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 34 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

Ang total cases na ngayon ay 13,056 kung saan ang aktibong kaso ay 3,633.

27 naman na overseas Filipinos ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 8,488.

Facebook Comments