DOH, nakapagtala ng mababang bilang ng recoveries sa hanay ng COVID patients sa bansa; DFA, walang naitalang Pinoy na panibagong namatay sa abroad dahil sa virus

52

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 148 na recoveries lamang ngayong araw sa COVID-19 patients sa bansa.

Ang total recoveries ngayon ay 399,457 o 91.5%.


Ang bagong kaso naman ay 934 kaya ang total cases na ay 436,345.

Ang aktibong kaso naman ay 28,379 o 6.5%.

63 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 8,509 o 1.95%.

Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala mula pa rin sa Quezon City, Laguna, Baguio City, Bulacan at Davao City.




Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na panibagong Pilipino sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 846.

21 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa hanay ng overseas Filipinos ay 11,670.

Ang aktibong kaso naman ay 3,265.

14 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 7,559.

Facebook Comments