DOH, nakapagtala ng mahigit 12,000 bagong COVID cases sa bansa

75

Nakapagtala ang Department of Health ng 12,225 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Malaki rin ang bilang ng mga bagong binawian ng buhay kung saan 401 ang naitala ngayong araw.


946 naman ang mga bagong gumaling .

Sa ngayon, umaabot na sa 840,554 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay lalo pang umakyat sa 178,351.

Ang total recoveries naman ay 647,683 at ang total deaths ay umakyat na sa 14,520.



Facebook Comments