DOH, nakapagtala ng mahigit 17,000 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17,145 na bagong kaso ng COVID-19 mula Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay 2,449.

Ito ay mas mababa ng 10 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 22 hanggang Agosto 28.


Sa mga bagong kaso, 40 sa mga ito ang malubha at nasa kritikal na kalagayan.

354 naman na COVID patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Kahapon, Setyembre 4, 2022, 768 na malubha at kritikal na COVID patients ang naka-admit sa mga ospital.

Facebook Comments