DOH, nakapagtala ng mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

53

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng PH 3,051 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Ito ay katumbas ng average na kaso na 436 kada araw mula June 13 hanggang June 19.

Ayon sa DOH, mas mataas ito ng 82% sa kaso noong sinundan na linggo, 6 naman ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.


Habang 554 na Covid patients na nasa severe at kritikal na kundisyon ang naka-confine ngayon sa mga ospital.

Kinumpirma rin ng DOH na sa ngayon ang ICU bed utilization rate ay nasa 14.6% at ang non-ICU bed utilization rate ay 18.2.

Facebook Comments