DOH, nakapagtala ng malaking bilang na namatay sa COVID-19 sa bansa

95

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 259 na mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

Bunga nito, ang total deaths ngayon ay 4,630.

4,699 naman ang mga bagong kaso kaya ang total COVID cases ngayon sa bansa ay 265,888

Sa nasabing bilang ang active cases ay 53,754.

249 naman ang mga bagong gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay 207,504

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ng 121 na bagong recoveries sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Bunga nito, ang total recoveries ay 6,554.




21 naman ang bagong kaso kaya ang total cases ngayon ay 10,314.

Sa nasabing bilang,2,988 ang active cases.

4 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong-dagat ay 772.

Facebook Comments