DOH, nakapagtala ng malaking bilang ng recoveries sa COVID-19 sa bansa

156

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 290 recoveries sa COVID-19 patients sa bansa.

Bunga nito, ang total recoveries ay pumalo na sa 252,930.

2,025 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases ngayon sa bansa ay 309,303.

Sa nasabing bilang, 50,925 ang active cases.

68 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 5,448.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 51 na bagong recoveries sa hanay ng mga Pilipino sa ibayong dagat.

Bunga nito, ang total recoveries ngayon ay 6,727.




40 naman ang panibagong kaso o mga Pinoy na panibagong tinamaan ng COVID-19 mula sa Amerika, Asya at Europe.

Bunga nito, ang total cases na ngayon sa mga Pinoy sa abroad ay 10,507.

Ang active cases ay 2,988 habang wala namang bagong Pinoy na binawian ng buhay sa ibayong dagat dahil sa nasabing virus.

Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 792.

Facebook Comments