DOH, nakapagtala ng maliit na bilang ng recoveries sa COVID-19 patients sa bansa

36

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ngayon ng 87 recoveries sa hanay ng COVID-19 patients sa bansa.

Bunga nito, ang total recoveries ay 273,123.

2,291 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases ngayon sa bansa ay 324,762.

Sa nasabing bilang, ang active cases ay 45,799.

64 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 5,840.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 291 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Bunga nito, ang kabuuang bilang na ng mga Pinoy na na-infect ng virus mula sa 79 na mga bansa ay 10,840.




Sa nasabing bilang, ang active cases ay 3,139.

Sa kabilang dako, 153 ang mga Pinoy na panibagong gumaling sa COVID-19 sa abroad kaya ang total recoveries na ay 6,903.

Habang 5 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 798.

Facebook Comments