DOH, nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga namatay sa bansa sa COVID-19

49

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 53 na mga bagong binawian ng buhay ngayong araw sa bansa dahil sa COVID-19

1,184 naman ang bagong kaso habang 271 naman ang gumaling.


Ang kabuuang kaso na ngayon ng COVID-19 sa bansa ay 553,424.

Ang aktibong kaso naman ay 29,814 habang ang total recoveries ay 512,033.

Ang total deaths naman ay 11,577.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pinoy sa abroad na namatay sa COVID-19.




Habang 7 naman ang bagong kaso at 7 ang bagong gumaling.

Ang total COVID-19 cases na sa hanay ng overseas Filipinos ay 14,679 habang ang total recoveries ay 9,238.

Nananatili naman sa 979 ang bilang ng mga namatay at ang aktibong kaso ay 4,462.

Facebook Comments