DOH, nakapagtala ngayong araw ng halos 400 na binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 9,373 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

313 naman ang bagong gumaling at 382 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 812,760 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Sa nasabing bilang, 152,562 ang aktibong kaso.

646,381 naman ang kabuuang gumaling at 13,817 ang kabuuang namatay sa virus.

Facebook Comments