DOH, nakapagtala ngayong araw ng mahigit 200 na binawian ng buhay dahil sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 239 na bagong binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, umaabot na sa 43,825 ang kabuuang binawian ng buhay sa bansa dahil sa Coronavirus.

1,766 naman ang bagong kaso at 2,591 ang bagong gumaling.


Sa ngayon, ang total COVID cases na sa bansa ay 2,795,642 kung saan ang aktibong kaso ay 37,159.

Ang total recoveries naman ay 2,714,658.

Facebook Comments