DOH, nakapagtala ngayong araw ng mahigit 7,000 na gumaling sa bansa sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 7,213 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

6,040 ang bagong kaso at 122 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 1,502,359 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan ang aktibong kaso ay 47,257.


1,428,504 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling habang 26,598 ang kabuuang bilang ng mga namatay.

Facebook Comments