DOH, nakapagtala pa rin ng mataas na bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa

Mataas pa rin ang bilang na naitala ng Department of Health (DOH) na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

3,483 ang bagong COVID-19 cases sa bansa kaya ang total cases ngayon ay 224,264.

Sa nasabing bilang, 62,655 ang active cases.


464 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries ngayon ay 158,012.

Habang 39 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 3,597.

Samantala, walong araw nang walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipinong namatay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 755.

47 rin na mga Pinoy sa ibayong dagat ang bagong gumaling sa nasabing sakit kaya ang total recoveries na ngayon ay 6,174.

16 naman ang bagong kasong naitala mula sa Asia and the Pacific at Europe.

Ang total COVID-19 cases naman sa hanay ng mga Pinoy mula sa 73 na mga bansa ay 10,086 kung saan ang active cases dito ay 3,157.

Facebook Comments