DOH, nanawagan sa publiko na magtiwala sa mga opisyal sa pagbili ng bakuna

40

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na pagkatiwalaan ang mga government officials sa harap ng mga kontrobersiyang bumabalot sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi talaga sila maaaring magsalita kung magkano ang presyo ng bakuna ng Sinovac Biotech ng China dahil sa non-disclosure agreement.


Nagsisikap naman aniya ang mga taong gobyerno sa pagbili ng COVID-19 vaccines para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Matatandaang nananawagan ang mga mambabatas at ang publiko ng transparency hinggil sa pagpili ng gobyerno sa Sinovac vaccine.

Facebook Comments