DOH, naniniwalang hindi bagong strain ng coronavirus ang tumama sa batang Chinese sa Cebu

108

Posibleng hindi bagong strain ng coronavirus ang tumama sa batang Chinese na ino-obserbahan sa Cebu.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – bumuti na ang lagay ng bata kung saan humina na ang kanyang lagnat at nabawasan na rin ang pag-ubo.

Pero sinabi ni Duque na nananatiling naka-isolate ang bata at kanyang ina habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri mula sa sample specimen na ipinadala pa sa Australia.

Inirerekomenda ng DOH ang pagdedeklara ng travel restrictions sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng coronavirus.

Facebook Comments