DOH, nilinaw hindi magkasalungat sina Pangulong Duterte at Health Sec. Francisco Duque hinggil sa pagbubukas ng klase

47

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang salungat sa pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa pagbubukas ng klase sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pahayag ni Duque na maari pa ring magbukas ang klase sa Agosto kung masusunod ang minimum health standards ay pagsesegunda sa pahayag ni Pangulong Duterte na walang mangyayaring klase hangga’t walang bakuna sa COVID-19.


Sinabi ni Vergeire na mahalagang masunod ang minimum health standards para matiyak na ligtas ang mga estudyanteng papasok sa mga paaralan.

Nakatakdang magbukas ang klase sa August 24 para sa school year 2020-2021.

Facebook Comments