DOH, pinabibilisan sa mga LGU ang vaccine rollout

33

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga local government units (LGUs) na pabilisin ang COVID-19 vaccination rollout.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat i-level up ng mga LGUs ang kanilang immunization program bago sila mabigyan ng dagdag na alokasyon.


Sinisilip na ng vaccine cluster ang performances ng LGUs.

Bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagbabakuna sa A4 priority group o mga frontline personnel sa essential sectors, sinabi ni Vergeire na uumpisahan ang vaccination kapag mayroon na silang guidelines at kung matatag pa ang vaccine supply.

Kasalukuyang binubuo ng vaccine cluster ang guidelines nito.

Facebook Comments